peperonity.com
Welcome, guest. You are not logged in.
Log in or join for free!
 
Forgot login details?

For free!
Get started!

(¨`°»~SPORTS~«°`¨) | amazinggrace


(¨`°»~SPORTS~«°`¨)
pacmor - Man Sports
Goodluck Pinoys!

(VTRomano)

Taglay ang inspirasyong dulot ng pagkilala ng buong mundo sa naging panalo ni Manny Pacquiao noong nakaraang linggo, tatangkain ng mga Pilipinong atleta na makapagbigay din ng karangalan sa Pilipinas sa kanilang pagsabak sa 15th Asian Games sa Disyembre 1-15.

Ngayong araw, lilipad ang bulto ng Philippine delegation na binubuo ng 97 atleta patungong Doha, Qatar at lahat ay naghahangad na sa kanilang pagbabalik ay isang engrandeng pagsalubong ang sa kanila’y iaalay sanhi ng matagumpay na kampanya roon.

Mangunguna sa listahan ang lagi nang nagbibigay ng medalya sa bayan, ang boxing team, kasama ang aquatics, beach volleyball, boxing, chess, artistic gymnastics, judo, sepak takraw, shooting, soft tennis at weightlifting.

Pangungunahan ang Philippine contingent ni Gen. Mario Tanchanco, Deputy Chef dc Mission, kasama ang PSC officials at youth campers.

Ang pag-alis ng mga Philippine contingent ay hinati-hati dahil sa mahigpit na airline schedule papuntang Qatari capital.

Nauna nang nagtungo sa Qatar si PSC Chairman William Ramirez noong Nobyembre 20. Ang naunang batch na binubuo ng Chef de Mission group ay umalis noong Nobyembre 16, habang ang huling batch, na tatlong karateka ay aalis sa Disyembre 9.

Sa kabuuang bilang, ang Team Philippines contingent ay umaabot sa 335 athletes, coaches at officials.

Ang Pilipinas ay nag-uwi ng 3 golds, 7 silvers at 16 bronzes sa pinakahuling edisyon ng Asiad noong 2002 sa Busan, South Korea.

<><><><><><><><><><><>
UAAP Volleyball umpisa sa Biyernes



Muling magbabalik ang aksiyon ng Season 69 ng UAAP sa Biyernes (Di-syembre 1), sa paghataw ng volleyball competitions sa pamamagitan ng tatlong nakalinyang laro sa men’s at women’s divisions sa University of the Philip-pines (UP) College of Hu-man Kinetics gym sa Diliman.

Ang Far Eastern Uni-versity (FEU), na siyang defending men’s cham-pion, at ang Adamson Uni-versity, reigning women’s titlist, ay nag-bye sa ope-ning day ng seven-school competition na ipalalabas sa Studio 23.

Matapos ang kala-hating oras na opening ceremony sa alas-otso ng umaga, agad sisimulan ang laro, na tatampukan ng sagupaan ng University of the East at Adamson sa men’s at ang National U kontra FEU sa women’s sa 8:30 ng umaga.

Sa iba pang laro, NU laban sa UP at Ateneo kontra UST (men), UP vs UST at Ateneo kontra UE (women).

<><><><><><><><><><><><>
Hapee hahapit ng 5th Straight Win



Isa pang matinding ha-mon ang haharapin ng Hapee Toothpaste kontra TeleTech ngayong alas-kuwatro ng hapon sa 2007 PBL Silver Cup sa Oli-varez Sports Center sa Parañaque.

Batid ni Hapee coach Jun Noel, na hindi biro ang sitwasyon nila nga-yong nasa tuktok ng stan-dings, kaya naman lagi niyang hinahamon ang mga manlalaro upang ma-panatili ang kanilang katayuan.

Dumiretso ang Teeth-masters sa ikaapat na panalo, pinakamagandang panimula ng koponan sa tatlong taon, nang talunin ang Toyota Otis, 75-65, noong Sabado sa The Arena sa San Juan.

Dahil sa tangang 4-0, naniniwala si Noel na nabawi na nila ang respeto ng ibang koponan, pero hindi naman aniya nanga-ngahulugang babalewalain nila ang Titans sa kanilang 4 pm match.

Magsasagupa naman sa 2 p.m. ang Henkel-Sista at Mail & More.

<><><><><><><><><><><><><><>
Miller nagagamay ang babong Papel



Mula sa isang posis-yon tungo sa panibago ay nagbibigay ng pagkakataon sa isang manlalaro. Ka-tulad na lamang ni Willie Miller.

Ang 2002 MVP ay madaling naging gamay ang pagiging playmaker’s role matapos ang dating 2-guard spot, kasunod ng maagang pagbabakasyon ni pointguard Mike Cor-tez na na-injured.

Bagamat medyo nata-galan ang adjustment ng Alaska sa bagong papel ni Miller, pero tinanggap nila ang naturang pagbabago nang walang pag-aalin-langan.

"He’s been really o-pen-minded about his position change, and the fact that he made the transition so seamlessly shows what great talent and character he has," komento ni Alaska coach Tim Cone.

At ngayon ang Aces ay maayos na ang itinatakbo sa sistemang umiikot kay Miller, kung saan nakapag-tala na ng dalawang panalo sa nakalipas na linggo upang manatili sa konten-siyon sa qualification round ng TNT-PBA Phi-lippine Cup.

Walang dudang si Mil-ler ang sentro ng laro ng Alaska, kaya naman nahi-rang ang manlalaro ng PBA Press Corps bilang Player of the Week (November 20-26).

Sa dalawang panalong iyon, 110-105 kontra Talk N’ Text noong Biyernes at 105-94 laban sa Red Bull --- ang 29-anyos na si Miller ay nag-averaged ng 21.5 points, 4.5 assists, 4 rebounds at may 1.5 turn-over lang sa 37 minuto kada laro.

Sa ngayon, ang Aces ay may 5-7 kartada sa 18-game qualification round.



This page:




Help/FAQ | Terms | Imprint
Home People Pictures Videos Sites Blogs Chat
Top
.