Ilang buwan nakaraan…
"Pre, tuloy tayo sa Baguio ha?"
paninigurado ni James.
"Oo naman. May isasama ka ba?"
tanong ko
"He he he. Oo naman. Pare,
masabaw!" nakangising sagot ni
James
"Tang na, James. Pokpok na
naman ang isasama mo?"
"Kaysa wala no? Limang araw
tayo sa Baguio. Kailangan may
parausan. Ha ha ha"
"Eh sina Faye and Vince wala
naman isasama eh"
"Wow! Jun ang slow mo. Di mo ba
napapansin na nagkakaigihan ang
dalawa?"
"Talaga? Anak ng tokwa. Di ko
namalayan ah. Sila na ba?" gulat
kong tanong
"Hmmmm alam ko di pa. Parang
nagliligawan pa ang mga leche ha
ha ha" biro ni James. "Eh ikaw,
isasama mo ba gf mo?"
GF? Ahhhh oo nga pala. May gf
na ako. 3 buwan na ang
nakakalipas mula ng may
mangyari sa amin ni Mabel.
Matagal din naming tinago ang
amin relasyon. Tinanong ko lang
sya last week kung pwede namin
gawing official ang aming
relasyon dahil marami ng
nakakahalata sa pagiging malapit
namin sa isat isa.
"O ano Mabel? Tayo na ba?"
"Loko. Nakuha mo na nga ang
virginity ko, tinatanong mo pa
yan." nangingiting sagot ni Mabel.
"I mean, officially. Tayo na? Di
lang M.U.? Hirap na kasing i-deny
na di kita girlfriend eh. Pansin
kasi ng mga tao na panay ang
dikit mo sa akin. He he he"
"Kapal mo, Jun. Mmmmmmm..."
Kinurot ako.
"Aray! Aray! Biro lang, biro lang
he he he"
"Ikaw talaga kapal ng mukha" ani
Mabel.
"Eh kasi naman nga. Tayo na
ba?" pangungulit ko.
"O sya, sya. Ng matigil ka... oo
tayo na." nakangiting sagot ni
Mabel.
"Talaga?! Yahoooooo! I love you!!!"
sigaw ko
"Hoyy! Wag kang maingay at
nakakahiya" nakangiting suway
ni Mabel.
"Sabi ko, isasama mo ba syota
mo?" ulit ni James.
"Ha? Di ko pa alam eh.
Nagpapaalam pa sya sa mga
parents nya" sagot ko.
"Naku pare, isama mo na. Dahil
kung hindi, ikaw lang ang single
sa grupo. Kawawa ka sa Baguio
ha ha ha" pangalaska ni James.
"Bahala na. Di pa sya
pinapayagan eh"
Dumating bigla sina Faye and
Vince.
"Ehem", bati ko.
"Hi Jun! Hi James." bati ni Faye.
"Hmmmm mukhang late kayong
pareho ni Vince? Anong ginawa
nyong dalawa kagabi?"
nanghuhuling tanong ni James
"Ha, eh", nauutal na si Vince
"Nagkasabay lang kami sa lobby
ni Vince no" depensa ni Faye
Halatang namumula si Faye. May
itsura din si Faye. 52" ang
tangkad, sexy din at morena. Ni
di ko naisipang ligawan itong si
Faye. Bunsong babae ang turing
naming 3 lalaki kay Faye. Well,
dati siguro dahil eto nga at
mukhang nagkaka-in-lab-an
silang 2 ni Vince.
"Oo, nagkasabay lang kami
papasok" pag-segunda ni Vince.
"Asshuuuu-sshuuuu-ssshhhhuuu"
pangiinis ni James
"James ha? Di ka na
nakakatuwa" napipikong sabi ni
Faye.
"Tama na nga yan" sabat ko.
"Ready na ba kayo bukas? Baka
may nakalimutan pa tayo?"
"Handa na po lahat" sagot ni
Faye
"Hokey. Masaya ito" sabi ni
James. "Baguio, here we come!!!"
Kinabukasan, sa bus terminal ng
Rabbit sa Edsa...
"Hi Mabel. Buti nakasama ka." bati
ni James. "Tama lang na kasama
kung hindi, malamang nambabae
itong si Jun sa Baguio he he he"
"Oo nga eh. Napapayag ko
parents ko. Balak ko talagang
sumama ng mabantayan itong si
Jun" sabi at sabay tingin sa akin
ni Mabel.
"Ah sya nga pala, Jun, Mabel, si
Pebbles."
"Hi!!!" bati ni Pebbles
"Hello" sabi ko
"Hi" sabi ni Mabel.
"O yung magsyota wala pa ba?"
tanong ni James
"Eh parating na raw. Nag-text sa
akin si Vince. Sabay daw silang
nagtaxi papunta dito" sagot ko.
"Sina Faye and Vince na ba?"
gulat na tanong ni Mabel
"Di... wag ka ngang
magpapaniwala kay James. Luku-
luko yan." sabi ko.
"Ayyy oo, pilyo nga itong
kaibigan nyo" may pagkapilyang
sangayon ni Pebbles.
"Jun, maniwala ka. Nag-motel
muna ang dalawa kaya late sila
ha ha ha" kantiyaw ni James.
"Gagiks! Ikaw talaga. Pag si Faye
napikon sa yo, James, yari ka.
Teribleng mainis yun"
pagpapaalala ko.
"He he he nagbibiro lang naman
eh." sagot ni James.
Makaraan ng ilang minuto,
dumating na ang dalawa.
"Sorry guys, traffic eh" panghingi
ng dispensa ni Faye.
"Bakit, Vince, matrapik ba sa
Pasig? he he he" pangaasar ni
James.
"Ha? Bakit naman Pasig? Eh
pareho kaming taga-Quezon
City...." di natuloy ni Vince ang
sagot. "Langya ka. Di ako ganun
ha? Di ako nagmo-motel!"
"Jaaaammmmeeesss!!!" sigaw ni
Faye
"Ha ha ha peace, peace!" ani
James.
"Hi Faye" bati ni Mabel.
"Hello" may pagkalamig na sagot
ni Faye.
"Mare, si Pebbles nga pala"
pakilala ni James sa kasama.
"Hi!" bati ni Pebbles
Ngumiti lang si Faye.
"Tara na at sakay na tayo ng
makapili tayo ng mauupuan" yaya
ni Vince.
Sumakay na kami sa bus. Isang
oras pa bago ito aalis. Kaunti pa
lamang ang mga nakasakay kaya
maraming bakanteng upuan. Sina
James at Pebbles ang naunang
naupo. Sa pandalawahan sila.
Kami naman ni Mabel ay umupo
sa likuran nila. Sina Vince and
Faye ay parang nagaalinlangan.
Pero sa bandang huli, umupo din
sila sa pandalawahan, sa likuran
namin ni Mabel. Lumipas ang isang
oras at umandar na ang bus.
Kaunti lang ang nakasakay.
Kakapagtataka kasi kadalasan
pag ganitong summer eh
maraming umaakyat ng Baguio.
Mahaba-haba ang biyahe. Panay
ang kuwentuhan naming walo.
Kain ng chichiria. Inom ng
softdrinks. Marami kaming mga
baon. Sa bawat bus stop, lagi
kaming bumaba para magunat.
Maliban kina Faye at Vince.
Nagpapaiwan lang sila sa bus.
"Galit ba sa akin si Faye?" tanong
sa akin ni Mabel
"Di. Ganun lang talaga yun.
Nagseselos lang yun sa yo" sagot
ko
"Bakit? Gusto ka nya?"
nagtatakang tanong ulit ni
Mabel.
"Hindi. Hindi sa ganun. Kasi, sanay
si Faye na sya lang ang babae sa
grupo. So sanay sya na ang
atensyon naming tatlong lalaki
ay sa kaniya lang. Para kasi nya
kaming mga kuya at sya naman
ang bunso namin."
pagpapaliwanag ko.
"Ahhhh", tango-tangong sagot ni
Faye.
"O, James. Nasaan si Pebbles?"
tanong ko.
"Nasa CR. Iniwan ko muna dun.
Ayus ba pre? Hanep ang
katawan no? Wild yun sa kama!"
dire-diretsong salita ni James.
"Gagiks. Di ka man lang nahiya
kay Mabel sa mga pinagsasabi
mo" pangaral ko.
Namumula lang si Mabel
"Ha ha ha, sorry Mabel. Ganun
kasi ako talaga eh. Ipakita ang
natural. Anyways, kayo naman ni
pareng Jun so part of the family
ka na" ngiting sagot ni James.
Nangiti si Mabel.
"James, di ba may pagkaselosa si
Faye?" tanong ko
"Bakit mo naman natanong?"
balik nya
"Eh kasi itong si Mabel. Akala nya
galit sa kanya si Faye. Kasi di
raw masyadong pinapansin"
pagtutuloy ko.
"Ha ha ha, Mabel, ganun talaga si
Faye. May topak din yun minsan.
Pero tama si Jun. Medyo selosa.
Kita mo, di rin pinapansin si
Pebbles. Gusto kasi nya sya lang
ang babae sa grupo. K.S.P. kasi
yun eh ha ha ha" sagot ni James.
"Ahhh ehhh kasi akala ko galit
sya sa akin" sabi ni Mabel
"Asus, wala yun. Mawawala rin
selos nun. Lalo nat
nagkakamabutihan na sila ni
Vince" dagdag ni James.
Parang nakahinga ng maluwag si
Mabel.
"O, yan na si Pebbles. Halika na
at aalis na ang bus" yaya ko.
Bumalik kaming apat sa bus.
Nakita namin ang dalawa.
Magkadikit. Ng mapansin nilang
parating na kami, medyo
nagpormal sila, parang di
nagpapansinan kunwari.
"Plastik" mahinang bulong ni
James.
"Ano na naman ang binubulong-
bulong mo dyan ha James?"
taray na sabi ni Faye.
"Wala naman akong sinasabi eh"
deny ni James.
"Kayo talagang dalawa, asot-
pusa. Sya, sya tama na. Dapat
tayong mag-enjoy, ok?" sabat
ko
"He he he ako enjoy na enjoy
na" nakangising sabi ni James.
At umandar uli ang bus. Sa
sobrang haba ng biyahe
nakatulog ako. Maya-maya
naalimpungatan ako. Si Mabel
nakasandal na sa akin. Tulog.
Sumilip ako sa likod. Tulog ang
dalawa. Nakasandal si Faye kay
Vince.
"Hmmm... bagay sila." sa loob-loob
ko. "At least kilala namin si Vince.
Di nya lolokohin si Faye."
Si Vince. Pinakamatalino sa aming
4. Pinakamabait din sa tingin ko.
Di makabasag pinggan. Minsan,
mas mahinhin pa nga sya kaysa
kay Faye. Tahimik. Sobrang
tahimik di ko man lang napansin
na nagpaparamdam na pala kay
Faye. Smooth operator ang loko.
Mula sa harapan naman, lumabas
ang kamay ni James. May inaabot
sa akin. Kinuha ko.
"Tang na!" sa isip ko. "Bra?!!"
Mukhang tinanggal ni Pebbles
ang bra nya. Malamang pinilit sya
ni James na gawin yun.
"Luku-luko talaga!" naisip ko.
Si James, tsikboy ng grupo. Lagi
na lang may naika-kamang
babae. Mahilig kasi. Parang
kuneho, tira ng tira. Pero mabait
naman. Kung kinakailangan,
nagiging seryoso din. Pero
madalas palabiro, makulit at
mapangasar.
Itinago ko ang bra. Ipapasoli ko
na lang kay Mabel ng patago
mamaya para di mapahiya si
Pebbles. Bumalik ulit ako sa
pagtulog. Nagising ako nung
malapit na kaming bumaba. Gising
na ang lahat at nagayos na. Si
Mabel, nagpa-powder sa mukha.
Si Faye naman ganun din.
"Napasarap tulog mo honey ah"
sabi ni Mabel.
"Hmmmmm oo nga eh" sangayon
ko.
Ngumiti lang si Mabel. Kinuha nya
ang bag nya, nagulat sya ng may
makita syang bra dun. Tumingin
sya sa akin na parang
nagtatanong.
"Shhhhh" mahinang sambit ko
sabay turo sa harapan.
Nakuha kaagad ni Mabel ang
sinasabi ko. Binalik nya ulit ito sa
kanyang bag.
Ilang saglit lang at bumaba na
kami sa terminal. Ang sakit ng
katawan ko sa haba ng biyahe.
May mga FX sa terminal at nag-
arkila kami ng isa papunta sa
bahay na inupahan namin ng
limang araw. Malapit lang yung
bahay. May ilang minuto lang ang
nakarating na kami doon.
Medyo may kalumaan na ang
bahay. Ito lagi ang inuupahan
namin tuwing magbabakasyon
kami sa Baguio ng grupo. Kakilala
namin kasi ang may-ari. Kaibigan
ng tatay ni Faye ang nagpapa-
renta. So may kaunting discount
kapag inuupahan namin. Apat ang
kuwarto ng bahay. Usually tigi-
isa kaming kwarto nina James,
Vince and Faye. Pero ngayong
may mga kasama kami, di ko lang
alam paanong set-up.
"Ops, ops, ops, amin ni Pebbles
yung kwartong malaki." sambit ni
James.
"Ok. Ah, Mabel, sama ba tayo ng
kwarto o ano?" tanong ko.
"Sama tayo Jun. Mukhang
kakatakot ang bahay eh"
"Ha ha ha di no. Di naman
haunted house yan. May
pagkaluma lang pero ok naman"
sagot ko.
"Basta, sama na lang tayo."
pagpupumilit ni Mabel.
"Ok, ok. Tutal mag-girlfriend-
boyfriend naman tayo eh" sabi
ko.
"Ah eh... Ako dun ako isang
kwarto sa taas" singit ni Faye.
"Vince, ok lang ba sa yo na kami
ni Mabel sa taas na rin?" tanong
ko
"Ha eh..." sumulyap si Vince kay
Faye. "Oo naman. Sa kwarto sa
basement na lang ako".
Apat na kwarto. Tatlo sa second
floor. Isa sa basement.
"Achhooo chooo choooo! Di pa
kasi aminin eh" alaska ni James.
Tumingin lang si Faye kay James.
Inis na inis. Si Vince naman
napapakamot sa ulot nangingiti
Nagpuntahan na kami sa aming
mga kwarto. Pagkapasok namin
sa kwarto ni Mabel, nahiga ito sa
kama.
"Jun, pahinga lang ako ha"
"Sure" sabi ko.
Nilabas ko ang mga gamit namin
sa bag. Kinuha ko ang dala
naming comforter at bed sheet.
"Hon, tayo ka muna dyan. Lagyan
ko muna ng bed sheet yan" sabi
ko.
Tumayo si Mabel at tinulungan
nya akong ilagay ang bed sheet
at ipatong ang comforter.
Pagkatapos, bumalik sya sa
pagkahiga. Napagod sa haba ng
biyahe malamang. Tinuloy ko ang
pagaayos ng gamit. Ang mga
damit namin ay nilabas ko ay
hinanger at nilagay sa mga
kabinet. Pagkatapos kong
magayos, tinignan ko kung tulog
si Mabel. Ng masiguro kong tulog,
lumabas ako ng kwarto. Dumaan
ako sa kwarto ni Faye. Bukas
ang pinto pero walang tao.
"Malamang nasa baba na" sabi ko
sa sarili.
Bababa na sana ako ng may
marinig akong ingay sa kwarto ni
James.
"Unnngggghhhh"
"Parang ungol yun ah" isip ko
"Ohhhhhhh, oooohhhhhh,
fuuuccckkkk meeee...
Jaaaammmmmeeesss"
"Ungol nga. Si Pebbles malamang.
Tang nang James to. Ang libog
talaga. Di man lang nagpahinga"
sa loob-loob ko.
Grabeng umungol si Pebbles. Ang
lakas. Rinig na rinig mula sa labas.
"Ha ha ha kaya siguro bumaba
itong si Faye" natatawang sabi
ko sa sarili. "Narinig siguro ang
kalaswaan sa kabilang kwarto.
Tabi-tabi kasi ang kwarto sa
taas. Si James ang sa gitna.
Bumaba ako. Sa sala, nandun si
Faye.
"Faye, si Vince?" tanong ko
"Jun ha, pati ikaw. Napipikon na
ako" sagot ni Faye
"Ha? Bakit? Ano bang problema?"
nagtataka kong tanong
"Eh kasi di nyo na kami tinigilan.
Inaalaska nyo kami ni Vince"
sagot nya.
"Ano ka ba naman, Faye? Wag ka
ngang magsungit dyan. Di ka na
mukhang engkantada nyan"
pagbibiro ko.
Nangiti si Faye. Lokohan namin na
si Faye ang diwata dun sa
palabas na "Okay ka, Fairy ko."
"Si James kasi. Nakakainis"
"Ano ka ba? Di ka na nasanay
kay James. Ganun talaga yun."
kako
"Eh oo nga. Ewan ko ba bakit
affected ako lately sa mga biro
nya".
Tahimik lang kami pareho.
"Jun, ok lang ba?"
"Ang alin, Faye?"
"Kuwan...." di matuloy ni Faye
"Alam mo, kung ang sa inyo ni
Vince, ok na ok. Masaya ako
para sa inyong dalawa" nakangiti
kong sagot.
Ngumiti si Faye. Yung ngiti na
masayang-masaya.
"Talaga?" ulit nya
"Oo naman. Nung nasa bus nga
eh nung tulog kayong dalawa,
natignan ko kayo. Bagay kayo"
Namula si Faye.
"Kayo na ba?" diretso kong
tanong.
"Hmmmm... o... o... oo" nahihiyang
sagot ni Faye.
"Yun naman pala eh. Congrats
Mare." masaya kong sambit
Sakto parating si Vince.
"Hoy kups, halika nga rito" tawag
ko kay Vince.
"Ha, eh, bakit Jun?" tanong nya
"Ikaw ha, pag pinaiyak mo itong
si Faye, papasakan namin ni
James ng bote ang butas ng
puwet mo" pabiro ko.
"Ha? Eh?" tumingin si Vince kay
Faye.
Ngumiti si Faye at sinabing, "Oo,
alam na nya. Inamin ko na kay
Jun"
Parang nakahinga na maluwag si
Vince.
"Haaayyyy... salamat..."
nakangiting bigkas ni Vince
"Bakit ka nagpapasalamat?"
Napatingin kaming tatlo. Si James.
Kakababa lang.
"Sabihin nyong dalawa kay James
ang balita" sabi ko kina Faye and
Vince
"Anong balita? Faye? Vince?"
"Eh, James.... kami na ni Faye"
sabi ni Vince
"Woooowwww! Congrats pare.
Pero seryoso, anong gayuma
ginamit ni Faye para maakit ka?"
pangaalaska ni James.
"Jaaaammmmeesss!!!" sigaw ni
Faye
"Ha ha ha biro lang. Alam mo
naman na mahal kita sis. So
masaya ako para sa inyo ni
brother Vince" sabi ni James.
Nangiti ang dalawa.
Naupo kaming apat sa sala at
nagkuwentuhan ng
nagkuwentuhan. Di namin
napansin na maga-alas sais na
pala ng gabi.
Itutuloy…