peperonity.com
Welcome, guest. You are not logged in.
Log in or join for free!
 
Forgot login details?

For free!
Get started!

Links


allanr2k.peperonity.com

Sago at Gulaman

"Ang taong gipit sa patalim kumakapit"

Isang kasabihang madalas na mabasa at marinig ni Ryan. Hindi akalain ni Ryan na ang kasabihang ito ay magkakaroon ng kaganapan sa kanya.

Halos maghapon sa kalsada si Ryan sa paghahanap ng trabaho. Nakarating na siya ng Makati nung bandang umaga at ngayon nga ay katatapos lang niyang mag-submit ng application sa isang opisina sa Caloocan City.

Lampas alas-3 na at hindi pa rin siya nanananghalian. Lulugo-lugong sumakay siya ng LRT na halos di mahulugang karayom sa dami ng taong nagsisiksikan. Oo nga pala, Miyerkules ngayon kaya siksikan na naman, sa isip-isip ni Ryan.

Patuloy sa pagtugaygay ang tren ng LRT nang may ilang pasahero ang nag-unahang magbabaan sa Tayuman Station. Halos matulak pa si Ryan sa pag-uunahan ng mga tao. Wala sa sariling kinapa niya ang kanyang pitaka na nasa likod na bulsa ng suot niyang pantalon. Namutla si Ryan dahil wala siyang nakapa. Lingon siya sa likuran, lingon sa tagiliran. Nagsasara na ang pintuan ng tren ng magtama ang paningin nila ng isang lalaking nakipag-unahan sa pagbaba. Nakangiti ito ng nakakaloko. Alam na ni Ryan na nadukutan siya. "Tanginang buhay to, pag kinakantot ka naman ng malas, oo!" halos murahin ni Ryan ang sarili dahil sa kamalasang inabot nang araw na iyon.

Parang binuhusan ng malamig na tubig si Ryan dahil sa pagkawala ng kanyang pitaka. Tanging pamasahe na lang pauwi ang laman niyon. Kaya nga siya nag LRT ay para sa may Central Station siya bababa at naroon na ang bus na kanyang sasakyan pauwi sa Cavite. Mas mabilis nga naman siyang makakarating sa kanila kung LRT ang sasakyan niya. Pero ngayon, paano pa siya makauuwi? Maglalakad ba siya? Paano niya makakaya ang maglakad eh sa halos maduling na siya sa gutom.

Wala sa sariling bumaba siya pagdating ng Doroteo Jose Station. Naglakad-lakad siya hanggang Recto. Nang maalala niya ang madalas niyang tambayan nung nag-aaral pa lamang siya sa San Beda. Isetann. "Tama, baka sakaling me makilala ako sa Isetann na...


This page:




Help/FAQ | Terms | Imprint
Home People Pictures Videos Sites Blogs Chat
Top
.